*go crazy with me*
*everything here are random thoughts of a crazy mind*

Tuesday, May 26, 2009

Captain Who?!?!

Sino nga ba si Kapitan Sino?

Kapitan ano??!!

Mali! Kapitan Sino!!

Oh eh sino nga si Kapitan Watever?!?!

...hindi siya isang malaking joke,pero ang buhay niya parang isang malaking joke lang ang lahat. Siya ang bida na fictional character sa pang-7 libro ni bob Ong, na tulad ng buhay mo at buhay ko, posibleng wala ring happy ending. Posibleng meron, but one thing is for sure, tulad ng buhay niya, malamang din sa mga oras na to, jino-joke ka lang ng fate mo.

Oh eh sino nga si Kapitan Chorva???

Naintriga ako nung sabihin sa'kin ng pamangkin ko ang bagong book na toh. It's about a super hero na may usual discovery ng super power ability and the story goes on. So what makes it unsual compared sa biography ni Superman, Batman, Spiderman at Bioman??
Si Kapitan Sino, may side-kick na walang kwenta pero the best. The besk kasi simple lang sing tao; malakas mang-asar, mahilig makipag phone-pal,nagsasabi lagi ng totoo kahit nakakayamot na, at sumusuporta sa kaibigan hanggang kulungan!
Ang leading lady ni Kapitan Sino, hindi yung super sexy at damsel in distress ang drama, d tulad ng mga ibang leading lady ng mga super hero jan. Siguro ang masaklap din dun, hindi man lang nia na-kiss yung girl nia kahit sa cheeks man lang!
Hindi ulila sa magulang si Kapitan Sino, hindi inabuso ng kamag-anak, hindi sumikat kahit iligtas pa niya ang buong Pelaez, at siya lang ang super hero na ibinintang ang pagkamatay ng kapitbahay dahil sa lung cancer.
Mukha siyang tanga sa costume niya pero ok lang.
Feeling ko wala siang abs, hindi siya drop dead gorgeous kasi nga isa siyang malaking tanga sa costume/disguise niya! Pero ok lang sa kanya!! cute noh?!
Masasabi kong makulet siya, mabait ng kaibigan, masipag, mahal ang trabaho niya, mapagmahal at mabait na anak, at higit sa lahatresposableng mamamayan! reactive masyado...OA minsan, pero nagampanan niya ang papel niya sa lipunan ayon sa kanyang kakayahan.

EH SINO NGA SI KAPITAN SINO?!?!

Siya ay pwedeng ikaw, ako o yung mukhang loser/tanga/nerd/sa-friendster-lang-may-friends na katabi mo! Sinasalamin niya ang mga twenty somthing na tao na hinaharap ang quarterlife crisis, teenager na feeling niya kaya niyang gawin ang lahat, isang idealist na akala niya mababago niya ang mundo; nalulungkot, tumatawa, naiinlove, nagiging masaya, nadidisappoint, kwela, frustrated, makata, nasasaktan at ang hangad lang ay kabutihan para sa mga taong-bayan.
Tulad natin, si Kapitan Sino ay may love-hate relationship sa life; iisa lang ang kakahantungan...super hero siya hindi immortal.


Ganyan ang pagkakakilala ko kay Kapitan Sino...

No comments:

Powered By Blogger